Wednesday, August 20, 2008

Mababaw na luha

Sa labing anim na taong buhay ko madalang akong umiyak. Mabibilang lang sa kamay ang mga pangyayaring nagpaluha sa aking mga mata madalas dahil sa pagsampal sa akin ng sarili kong pagiging mahina. Ako’y may limitasyon, hindi kasing lakas ni superman, kasing bilis ni the flash at kasing tapang ni naruto. Ako’y isang mahinang bata lamang, umiiyak pag nadapa at humahagulgol pag nasaktan.

First year High School ako nung mapahiya ako sa harap ng klase sapagkat di ko masagutan ang isang tanong, isang tanong pang sipnayan. Umiyak ako, hindi dahil napahiya ako, hindi dahil lahat ng tao maliban sa akin ang alam ang sagot, umiyak ako dahil pinamukha sa aking hanggang duon lang ako, na yun lang ang kaya ko.

Pinangako ko sa sarili kong magmula ngayong di ko na ipapakitang mahina ako.

Fourth year umiyak na naman ako ng walang nakakaalam. Walang nakakakaalam sapagkat pilit kong ikinukubli ang sarili sa mascara at ilusyong matatag ako, na kaya ko. Umiyak ako dahil sa isang napaka walang kwentang dahilan. Umiyak ako dahil sa babaeng minahal ko na hindi naniniwala sa akin. Umiyak ako dahil muli nakahanap na naman ng paraan ang tadhanang ipakita sa akin ang kakulangan ko, kakulangan ng lakas na loob para sabihin ang totoo.

Naging malaking biro ang lahat sa mata nila.

Sinabi ko sa sarili ko na sa pagtapak ko sa Unibersidad ng Pilipinas na hindi na ako iiyak, Na kakayanin ko ang lahat maging ano pa man ang ihagis nila sa akin.

Kanina lang dumating ang aking daddy tulad ng dati upang maghatid ng malinis at maduming damit, Wala naming bago. Tumawag siya kay mom, nag usap sila at narinig ko ang tungkol sa operasyon, tinanong ko si dad kung ano yun. May bukol pala sa mata ang aking 3 taong gulang na kapatid at sinabi ng doctor na ipa opera daw. Marahil di ganu ka seryoso yun pero takot akong baka isa yun sa kinakatukang sakit, kanser. Siguro OA nga lang ako pero dahil sa kasaysayan ng aking tatay na nagkaroon ng kanser hindi niyo rin ako masisisi sa pagbuhos ng luha. Naiyak ako dahil nandito ako sa malayo nagpapakasaya habang ang bunso ko palang kapatid ay baka maoperahan sa mata, naiyak ako dahil hindi ako makauwi upang maipakita man lang na nag aalala ako sa kanya.

Patawad kung biglang naging seryoso ako o nag paka emo. Sabihin na nila gusto nila pero blog ko ito wala silang pakialam sa gusto kong isulat dito. Nagsusulat ako upang maibsan ang aking nararamdaman,

P.S. Kung itatanong mo sa akin kung sino yung babaeng minahal ko nun, di ko aaminin, sorry ka na lang ^^

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home